Tone-toneladang isda, dumagsa sa Sarangani
COTABATO CITY, Philippines — Tiba-tiba ang mga residente nang hindi bababa sa limang toneladang juvenile sardines, o “lopoy” sa lokal na lengguwahe, ang dumagsa sa baybayin ng Maasim sa Sarangani, madaling araw nitong Linggo.
Sa ulat ng mga barangay officials sa Tinoto sa bayan ng Maasim, namangha at nagpiyesta ang mga residenteng sakop nila nang mapunang maraming isdang nadala ng mga alon sa kanilang baybayin kaya sila naglabasan at tinipon ang mga ito sa kanilang mga balde, planggana at mga sako.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)-12, bagama’t hindi pangkaraniwan, ang pagdagsa ng mga isda sa dalampasigan ay hindi nangangahulugan na may seismic activity, o lindol sa ilalim ng dagat.
Ayon sa mga eksperto sa DENR-12 at ilang mga taga-local government unit ng Maasim, puwedeng maganap ang pagdagsa ng mga isda sa baybayin dahil sa biglaang pagbago ng temperatura ng tubig-dagat o kakulangan ng plankton na siyang kinakain ng mga ito.
Sinabi ng LGU at barangay officials sa Maasim na hindi bababa sa 30 kilos na lopoy ang naiuwi ng bawat residente ng Tinoto sa kani-kanilang mga tahanan na kanilang naipon mula sa kanilang baybayin.

John Unson

- Latest