^

Probinsiya

5.1 magnitude lindol tumama sa Surigao del Sur

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
5.1 magnitude lindol tumama sa Surigao del Sur
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-9:11 ng umaga nitong Miyerkules nang tumama ang lindol na ang sentro ay naitala sa may 032 kilometro ng timog silangan ng Hinatuan Surigao del Sur.
Phivolcs

MANILA, Philippines — Niyanig ng lindol na nasa 5.1 magnitude ang Surigao del Sur kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-9:11 ng umaga nitong Miyerkules nang tumama ang lindol na ang sentro ay naitala sa may 032 kilometro ng timog silangan ng Hinatuan Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, umaabot sa 025 kilometro ang lalim ng lupa sa naganap na lindol na tectonic ang origin ng lindol.

Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Bislig City at Hinatuan, Surigao del Sur.

Intensity 3 naman sa City of Tandag at Lingig, Surigao del Sur at Intensity II sa Tagbina, Lianga, Bayabas, at Cagwait, Surigao del Sur.

Dagdag ng Phivolcs, walang inaasahang aftershock kaugnay sa naganap na lindol.

Ayon sa Phivolcs, ang naganap na pagyanig ay aftershocks ng nagdaang 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur, kamakailan.

SURIGAO DEL SUR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with