P100 milyon puslit na Vietnam rice nasabat ng BOC
LIMAY, Bataan, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Bataan ang nasa 2,025 metric tons na umano’y smuggled na Vietnamese rice na nagkakahalaga ng P100 milyon.
Sa pahayag ng BOC, ang mga naturang bigas ay nadiskubre at nasabat noong araw ng Kapaskuhan na sakay sa barkong MV SF Omega na nakadaong sa karagatan na katabing bayan ng Orion.
Tinangka pa umanong idiskarga ang naturang mga bigas mula sa barko na idineklarang iligal dahil sa hindi umano tugma ang mga dokumento nito mula sa Bureau of Plant Industry.
Ayon sa BOC, tanging 1,700 metriko tonelada lamang ang pinapayagan na mga agricultural products shipment at wala rin umano katibayan ang nasabing rice importation na pinapayagan at may basbas ng national government.
Dahilan upang mag-isyu ng warrant of seizure and detention ang Port of Limay sa naturang shipment.
- Latest