Trahedya sa kalye sa Cavite: 4 todas

Kinilala ang mga nasawi na sina Anna Mikaela Diche Salmorin, nasa hustong gulang; Floressa Camille Labrada, 27, call center agent; Ronnie Panes Del Rosario; at  isang hindi pa kilalang lalaki.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Apat ang naitalang namatay sa magkakahiwalay na aksidente sa kalye sa lalawigan ng Cavite sa mismong araw ng Kapaskuhan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Anna Mikaela Diche Salmorin, nasa hustong gulang; Floressa Camille Labrada, 27, call center agent; Ronnie Panes Del Rosario; at  isang hindi pa kilalang lalaki.

Sa ulat, alas-2:20 ng hapon nitong araw ng Pasko ay bumabaybay sa Congressional Road, Brgy. Poblacion 4, GMA, Cavite ang Honda Click (D835H2) na  minamaneho ni Salmorin at angkas na si Labrada, nang sumalpok sa center island ng kalsada.

Alas-10:00 ng gabi araw nang sumalpok din sa center island sa Cong­ressional Road Brgy.Lumbreras,GMA, Cavite ang Honda Click (462DSV) na minamaneho ni Ru­ssel Pla­cido Brinas na ikinamatay ng backrider nito na si Del Rosario.

Alas-10:20 ng gabi sa Purok 1 Conchu-Amadeo Road, Brgy. Conchu, Trece Martires City, nang sumalpok sa bakal na poste sa gilid ng highway ang isang lalaki na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala sakay ng Yamaha Mio sporty color black (ND22685) na nasa edad na 30-40,malaki ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt, black short pants at pulang tsinelas.

Show comments