Drug dealer tiklo sa P47.6 milyong halaga ng shabu

Tinitingnan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe ang 7 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P47.6 milyon sa isang suspek na nakaupo at nakaposas sa police entrapment operation sa loob ng isang motel room nitong Miyerkules ng gabi sa Barangay Putik, Zamboanga City.
Photo courtesy of Mayor John Dalipe

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga pulis ang P47.6 milyong hala­ga ng shabu sa isang dealer sa buy-bust ope­ration sa Zamboanga City nitong gabi ng Miyerkules.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Alkhominie Ismael Usil, ng Barangay Lamion, Bongao,Tawi-Tawi na nakumpiskahan ng 7 kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P47.6 million.

Ayon kay Zamboanga City police director Col. Alexander Lorenzo na hindi na nanlaban si Usil nang mapansin na mga pulis na nakasibil­yan ang kanyang napagbentahan ng shabu sa isang kuwarto sa Sere­nity Inn sa Barangay Putik sa Zamboanga City.

Ang naturang drug operation ay isinagawa matapos makumpirma ang pagbebenta ng shabu ni Usil at ilang mga kasabwat.

Show comments