^

Probinsiya

2 lalaki tiklo sa P660K marijuana galing Benguet

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 lalaki tiklo sa P660K marijuana galing Benguet
Sa nakalap na ulat mula sa pulisya, alas-11:30 ng gabi nang maglatag ng operasyon  and Station Drug Enforcement Unit ng Rosario Municipal Police kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa dalawang suspek na ilang araw ding isinailalim sa surveillance.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nasamsam sa kanila ang ilang bricks ng marijuana na nakabalot sa Christmas wrapper sa Barangay Ligtong 3, Rosario, Cavite, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na JM at Ray na umano’y High Value Individual target ng pulisya at kapwa residente ng Rosario Cavite.

Sa nakalap na ulat mula sa pulisya, alas-11:30 ng gabi nang maglatag ng operasyon  and Station Drug Enforcement Unit ng Rosario Municipal Police kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa dalawang suspek na ilang araw ding isinailalim sa surveillance.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lahat ng marijuana umanong ibinebenta ng mga suspek at nanggagaling sa Benguet at ipinapadala sa kanila mula sa isang courier company.

Narekober sa mga suspek ang 6 na bricks ng marijuana na nakabalot pa sa stretch film plastic na aabot sa timbang na 5,500 gramo at may halagang  P660,000.00.

Nakumpiska rin sa mga ito ang mga boodle money na ginamit sa operasyon, 1 itim na SB Nike Bag pack at 1 Unit ng Cellular Phone.

MARIJUANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with