2 biktima ng salvage natagpuan sa Rizal

Unang natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa bakanteng lote sa Golden Leaf Subdivision,Barangay San Isidro, Rodriquez, Rizal pasado alas-8:00 ng umaga.
File

MANILA, Philippines — Dalawang bangkay na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Rizal nitong Miyerkules.

Unang natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa bakanteng lote sa Golden Leaf Subdivision,Barangay San Isidro, Rodriquez, Rizal pasado alas-8:00 ng umaga. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na hinihinalang pinatay sa ibang lugar at doon lang tinapon upang mailigaw ang imbestigasyon.

Ang ikalawang bangkay ay kinilalang si alyas Michael na natagpuan sa kahabaan ng Road 31 kanto ng Road 27, Cogeo Village, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, dakong alas-5:50 ng umaga ng isang tricycle driver habang pauwi.

Nakita ang isang basyo ng kalibre 9mm baril, 2 metro ang layo sa pinagtagpuan ng bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at pagkakilala sa mga suspek.

Show comments