Nawawalang Facebook blogger, natagpuang patay

COTABATO CITY, Philippines — Isang Moro na kilalang Facebook blogger na unang iniulat sa pulisya na nawawala ang natagpuang patay sa isang liblib na lugar sa Datu Anggal Midtimbang sa probinsya ng Maguindanao del Sur nitong Lunes ng gabi.

Sa inisyal na pahayag ng Datu Anggal Municipal Police Station nitong Martes, namatay sa tama ng bala sa ulo si Maududi Muhammad na kilala sa mga kapwa Moro netizens sa kanyang “Kurad Vlogs” na maraming fo­llowers sa Central Minda­nao.

Si Muhammad, taga Pikit sa probinsya ng Cotabato, ay unang nai­ulat na nawawala nitong Linggo, matapos sunduin diumano ng isang kakilala na taga-Maguindanao del Sur at hindi na nakauwi pa mula noon.

Inaalam pa ng lokal na pulisya kung sino ang pumatay kay Muhammad upang masampahan ng kaukulang kaso.

Show comments