MARIVELES, Bataan, Philippines — Idineklarang fire out na ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bataan ang sunog na naganap sa Coal Fire Power plant sa Barangay Alas-asin ng bayang ito makalipas ang mahigit 30 oras.
Ganap na alas-5 ng hapon kamakalawa ng ideklarang fire out na ang nasabing insidente.
Matatandaang araw ng Linggo, ganap na alas-7:40 ng umaga nang magbuga ng makapal na usok at apoy mula sa crushee ng planta.
Anim na trak ng bumbero naman ang nagtulong-tulong na apulain ang makapal na usok dahilan upang maparalisa ang dalawang unit ng planta na pagmamay-ari ng GN Power MEC.
Sa kasalukuyan ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng fire incident gayundin ang halaga ng pinsala sa planta ng idinulot na sunog.Wala naman naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente.
Tiniyak din ng pamunuan ng planta ang mabilisang rehabilitasyon sa kanilang mga pasilidad.