MARIVELES, Bataan, Philippines — Nasunog ang dalawang bahagi ng pasilidad ng pinakamalaking Coal Fire Thermal Power Plant sa Barangay Alas Asin Power ng bayang ito kamakalawa ng umaga.
Sumiklab ang sunog bandang alas-7:40 ng umaga na nagmula sa Crusher House ng nasabing planta dahilan upang maparalisado ang operasyon ng dalawang unit ng GN Power Mariveles Energy Center (GN Power-MEC)
Sa inilabas na pahayag ng GN Power-MEC, patuloy umano ang kanilang ginagawang monitoring sa naganap na sunog sa pamamagitan ng koordinasyon sa Bureau of Fire Protection at mga kinauukulan upang matiyak na kaagad itong makokontrol.
Ayon pa sa GN Power-MEC, bagama’t wala pa umanong deklarasyong “fire out” mula sa mga otoridad ay patuloy din ang kanilang ginagawang assessment sa mga kalapit na barangay kaugnay sa epekto nang naganap na sunog sa lugar.
Wala namang naiulat na nasaktan sa naganap na insidente at patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.