^

Probinsiya

Bagong irrigation project, magbibigay ng magandang ani sa mga magsasaka

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Bagong irrigation project, magbibigay ng magandang ani sa mga magsasaka
President Marcos leads the National Irrigation Administration’s turnover of P776 million worth of excavators at Subic Bay Freeport Zone in Olongapo City yesterday. With him are Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, NIA administrator Eddie Guillen and SBMA chairman Jonathan Tan.
STAR / File

Makaraang pasinayaan ni Pangulong Marcos

LUPAO, Nueva Ecija, Philippines  – Inaasahan umano ng mga magsasaka sa bayang ito na gaganda ang kanilang ani sa bagong tayo na Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP), na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nitong Miyerkules, ika-13 ng Disyembre.

Ayon kay Joseph Trinidad, presidente ng San Isidro-Balbalungao Irrigators’ Association, umaasa lamang dati ang kanilang samahan sa sahod ulan para mapatubigan ang kanilang sakahan na nagre­resulta sa mababang ani at kakarampot na kita.

Sa nasabing pamamaraan ay umaani lamang sila ng nasa 80 hanggang 90 kaban ng palay kada ektarya, mula sa minsanang taniman sa loob ng isang taon.

Kabilang pa sa mga naging solusyon ng asosasyon sa pagkakaroon ng suplay ng patubig sa ilang mga taniman ng gulay ay ang paggamit ng water pump.

“Kaya napakalaking tulong ang pagbubukas ng bagong irrigation project na ngayon ay mapakikinabangan na ng lahat ng mga magsasaka sa barangay at makatutulong din upang makapagsaka ng dalawang beses o higit pa sa loob ng isang taon,” dagdag ni Trinidad.

Sa pagkakaroon aniya ng maaasahang suplay na patubig ay maaari na ring masubukang magtanim ng ibang variety ng palay para sa mas mataas na ani at kita.

Sa isang panayam, sinabi ni Lupao Mayor Alex Rommel Romano na pangunahing hanapbuhay ng mga kababayan nito ang pagsasaka kaya tunay na malaki ang maitutulong ng bagong irrigation project.

Hindi lamang aniya magsasaka ang mabebenepisyuhan nito dahil kasama rin sa pag-asenso ng magsasaka ang pag-unlad ng buong bayan.

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng mga samahan ng magsasaka at pamahalaang bayan sa pamahalaang nasyonal sa pagtataguyod ng naturang proyekto.

Ang BSRIP ay mayroong service area na 967.19 ektaryang bukirin na pagmamay-ari ng 560 magsasaka mula sa apat na barangay partikular ang San Isidro, Balbalungao, Salvacion at Mapangpang. 

TRINIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with