MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ang isang mister sa gitna ng kanilang inuman sa Brixtone Homes, Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas, kahapon ng madaling araw.
Namatay noon din ang biktimang si Lorenzo del Rosario, nasa hustong gulang, sa tinamong mga tama ng bala sa kaniyang ulo at katawan.
Sa ulat ng CALABARZON Police, nangyari ang pamamaslang sa biktima sa harapan ng kaniyang tahanan sa nasabing lugar bansang ala-1:20 ng madaling araw.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nakikipag-inuman ang biktima sa kaniyang mga kaibigan sa lugar nang biglang dumating ang dalawang lalaking suspect na kinilalang si alyas Jose at alyas JL Mea na lulan ng isang kulay abong BMW SUV Vehicle (SMD 516) at ng makita ang mister ay agad itong pinaputukan nang sunod-sunod hanggang sa tuluyang bumulagta.
Patuloy naman ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga otoridad upang alamin ang motibo ng krimen at mapagot sa batas ang salarin.