COTABATO CITY, Philippines — Mananatiling Bangsamoro labor minister ang chairman ng Moro National Liberation Front (MILF) matapos tanggihan ng chief minister ng autonomous region ang kanyang courtesy resignation bilang tugon sa direktibang magliban ang mga regional officials para sa malawakang balahasan.
Tumanggap nitong hapon ng Martes ang mga reporters dito sa Cotabato City ng kopya ng direktiba ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim para kay MNLF Chairman Muslimin Sema na manatiling labor minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Una si Sema sa inatasang manatili sa kanyang puwesto ng BARMM chief minister na siya ring chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Parehong may peace agreement sa Malacañang ang dalawang grupo na magkatuwang sa mga proyektong naglalayong maging mapayapa at maunlad ang buong autonomous region.
Ayon kay Sema, ang pagtanggi ni Ebrahim sa kanyang courtesy resignation ay isang indikasyon ng dedikasyon ng kanyang liderato na mapasama ang iba’t ibang sector sa autonomous region sa pamamalakad ng Bangsamoro regional government.