^

Probinsiya

MNLF chairman na nagbitiw,mananatiling BARMM labor minister

John Unson - Pilipino Star Ngayon
MNLF chairman na nagbitiw,mananatiling BARMM labor minister
Bangsamoro region Labor Minister Muslimin Sema

COTABATO CITY, Philippines — Mananatiling Bangsamoro labor minister ang chairman ng Moro National Liberation Front (MILF) matapos tanggihan ng chief minister ng autonomous region ang kanyang courtesy resignation bilang tugon sa direktibang magliban ang mga regional officials para sa malawakang balahasan. 

Tumanggap nitong hapon ng Martes ang mga reporters dito sa Cotabato City ng kopya ng direktiba ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim para kay MNLF Chairman Muslimin Sema na manatiling labor minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. 

Una si Sema sa inatasang manatili sa kanyang puwesto ng BARMM chief minister na siya ring chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). 

Parehong may peace agreement sa Malacañang ang dalawang grupo na magkatuwang sa mga proyektong naglalayong maging mapayapa at maunlad ang buong autonomous region.

Ayon kay Sema, ang pagtanggi ni Ebrahim sa kanyang courtesy resignation ay isang indikas­yon ng dedikasyon ng kanyang liderato na mapasama ang iba’t ibang sector sa autonomous region sa pamamalakad ng Bangsamoro regional government.

BARMM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with