^

Probinsiya

6 magkakapamilya patay sa sunog!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
6 magkakapamilya patay sa sunog!
Six family members died while two were injured after a fire hit a residential area along Kalye Ramos Street in Barangay Masalukot 1, Candelaria, Quezon on early November 25, 2023.
Photo ourtesy of Bureau of Fire Protection (BFP) Candelaria) | via Michelle Zoleta

Lola sinamahan lang sa pagtulog

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, nasunog ang isang residential house na nag­resulta sa pagkamatay ng anim na magkakapamilya na kinabibila­ngan ng isang lola at lima niyang  apo sa Ramos Street, Brgy. Masalukot 1 ng bayang ito, kahapon ng mada­ling araw.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ledon Monte, ang nasawi ay ang 69-anyos na lola ng pamilya na si Delia Corales Cruzat at ang kanyang limang apo na sina Darline Joy Cruzat Quirrez, 21; Crissa Joy Cruzat Quirrez, 18, parehong college student; Priscess Joy Cruzat Quirrez, 16, high school student, Tristan Jino Cruzat Pola, 10, Grade 5 student at Kylie Joy Cruzat Quirrez, 9, Grade 4 student.

Nasugatan naman subalit nakaligtas ang  kanilang 48-anyos na nanay na si Vangie Quirrez, at ang isa pang kaanak na Edna Cruzat, 37-anyos, matapos magawang makalabas ng mga ito sa nasusunog na bahay.

Ayon kay FO3 Melchor Macuha ng Candelaria BFP, ang nasunog ay bahay ng lola at sinamahan lamang ito ng kanyang mga apo at ng nanay ng mga bata  sa pagtulog nitong gabi na mangyari ang sunog.

Sa pagsisiyasat, sumiklab ang apoy dakong ala-1:00 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang mga biktima sa isang kuwarto na nasa dakong likuran ng 2nd floor.

Ayon sa Candelaria BFP, base sa puwesto ng mga labi hindi na nagawang lumabas ng mga biktima dahil sa may grills ang bintana ng kuwartong kinagtapuan sa mga ito.

Hindi naman ganap na nasunog ang bahay at ang mga biktima na ayon sa BFP ay posibleng suffocation ang ikinasawi.

Umabot sa unang alarma ang sunog na idineklarang fire out dakong alas-2:30 ng madling araw.

Faulty electrical wi­ring ang nakikitang sanhi sa sunog.

ACCIDENT

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with