MANILA, Philippines — Naaresto ang 7 Chinese at 24 Pinoy nang lusubin ang isang warehouse sa lalawigan ng Batangas at nasamsam ang kahon-kahon na yosi na nagkakahalaga ng mahigit sa P21 milyon kamakalawa.
Sa nakalap na ulat mula sa Regional Investigation Division (RID/ RSOU 4-A, isang operasyon ang ikinasa ng BIR sa ilalim ng mission order no. MSO201400003997 alas-7:30 ng umaga sa Brgy. Adia Panaipit, Agoncillo, Batangas at nilusob ang malaking warehouse at naabutan dito ang 31 suspek kabilang ang 7 Chinese.
Naaktuhan ang mga ito na nagsisilid sa kahon ng mga pakete ng iba’t ibang klaseng sigarilyo na kung saan aabot ang mga nakumpiska sa halagang P21,858,200.00. Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec. 144, Sec. 262 and 263 of NIRC (cigarettes smuggling) ang mga naarestong suspek.