COTABATO CITY, Philippines — Mahigit 50 na mga residente ng Barangay Poblacion 9 dito sa lungsod ang sinanay sa pagsawata ng child labor at paggamit ng kabataan bilang mga mandirigma sa isang workshop na suportado ng Japan at United Nations.
Ang dalawang araw na workshop na nagtapos nitong Huwebes ay magkatuwang na inorganisa ng Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ng International Labour Organization (ILO) na isang ahensiya ng United Nations, ng Government of Japan at ng Integrated Resource Development for Tri-People (IRDT).
Sa kanyang pahayag nitong Biyernes, pinasalamatan ni Bangsamoro Labor Minister Muslimin Sema ang ILO ang Government of Japan, ang IRDT at iba’t-ibang mga ahensiya ng MoLE-BARMM sa pag-organisa ng naturang anti-child labor workshop na makakatulong ng malaki sa pagpapalaganap ng peace and development agenda ng peace process ng Bangsamoro governmenta at ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.