Lalaking nakaratay, tepok sa sunog

Kinilala ang biktima na si Noel Ebon, residente ng Purok 5, Brgy. Sto. Rosario, Hagonoy Bulacan.
STAR / File

HAGONOY, Bulacan, Philippines —Patay ang isang lala­king nakaratay dahil sa sakit matapos makulong sa nasusunog na bahay na lubog sa baha sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Noel Ebon, residente ng Purok 5, Brgy. Sto. Rosario, Hagonoy Bulacan.

Sa Facebook post ni Kap. Bert Tamayo, nangyari ang sunog nitong Mi­yerkules ng umaga sa Brgy. Sto. Rosario.

Bagama’t maagap na naapula ang sunog ng mga rumespondeng bum­bero bandang tanghali, hindi inaasahang namatay pa rin ang isang bedridden, ayon sa report ng awtoridad.

Lumalabas na naiwang­ nag-iisa sa bahay ang biktima nang sumiklab ang sunog.

Inaalam pa ng Ha­gonoy Fire Department kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang danyos ng natupok na bahay.

Show comments