^

Probinsiya

5 tepok sa dengue sa Bicol region

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
5 tepok sa dengue sa Bicol region
Sa datos na inilabas ng DOH-Bicol CHD, bagama’t mas mababa ng 46 porsyento ang naitalang kaso ngayong taon, simula Enero 1 hanggang Setyembre 30, 2023 na nasa 689 lamang kumpara sa 1,495 na kaso sa kaparehong panahon noong 2022, ay nakapagtala naman ang rehiyon ng limang nasawi dahil sa dengue.
STAR/ File

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Muling nagbabala ang Department of Health (DOH)-Bicol Center for Health Development (CHD) sa pangunguna ni regional director Dr. Ernie Vera sa lahat ng mga Bico­lano na mag-ingat laban sa kagat ng lamok matapos na maitala ang lima katao na namatay sa sakit na dengue sa rehiyon.

Sa datos na inilabas ng DOH-Bicol CHD, bagama’t mas mababa ng 46 porsyento ang naitalang kaso ngayong taon, simula Enero 1 hanggang Setyembre 30, 2023 na nasa 689 lamang kumpara sa 1,495 na kaso sa kaparehong panahon noong 2022, ay nakapagtala naman ang rehiyon ng limang nasawi dahil sa dengue.

Naitala ang tig-iisang nasawi sa dengue sa mga bayan ng Virac at Panganiban sa Catanduanes; bayan ng Milagros sa Masbate; at Bulan at Donsol sa Sorsogon.

Ayon sa ulat, ang Camarines Sur ang may pinakamaraming naitalang kaso ng dengue ngayong taon na may 235; pumangalawa ang Catanduanes na may 157; Sorsogon- 128; Masbate- 95; Albay- 35; habang ang may pinakamababang kaso ay Camarines Norte na may 32 na kaso. May naitala namang 7 kaso mula sa Loreto at Que­zon pero na-admit sa mga pagamutan sa Bicol.

Apat na lugar sa rehiyon ang isinailalim sa red category gaya ng Sorsogon City, Sorsogon na may 98-kaso; Virac sa Catanduanes, 82 kaso; Naga City sa Camarines Sur, 54 case; at 36 sa Masbate City, Masbate.

Nanawagan ang kagawaran na patuloy na sumunod ang mga mamamayan sa kampanyang 5-S o search and destroy mosquito breeding places; self protection; seek early consultation; at support fogging, spraying at misting sa mga hot spot areas.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with