Nanalong barangay chairman, itinumba    

Sa ulat ng Pagadian City Police Station, naganap ang insidente,alas-6:30 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima habang ipinaparada nito ang tricycle matapos na ­maghatid ng pasyente sa isang ospital at dito ay lumapit ang  isang hindi kilalang lalaki at agad  na binaril ang biktima.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Hindi na nakapanumpa pa ang isang bagong halal na kapitan ng  barangay nangmasawi ito matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Idineklarang dead on  arrival sa Asian Hospital  si Rodolfo Dacol, kapapanalong chairman ng Brgy. Lapedian sa kakatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Sa ulat ng Pagadian City Police Station, naganap ang insidente,alas-6:30 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima habang ipinaparada nito ang tricycle matapos na ­maghatid ng pasyente sa isang ospital at dito ay lumapit ang  isang hindi kilalang lalaki at agad  na binaril ang biktima.

Ayon namansa anak ng biktima na si  Fraynald, na nanalong SK Kagawad, bago pa man ang eleksyon ay nakakatanggap na umano ng mga pagbabanta ang kanyang ama,subalit ipinagwalang bahala niya ito.

Nakatakda sana ang oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng barangay kahapon ng hapon.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagkaka­kilanlan ng suspek at sa motibo nito.

Show comments