Paslit nalason sa kinaing bunga ng wild grass
MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 2-anyos na bata sa ospital habang inoobserbahan ang isa niyang kalaro makaraang malason umano sila sa kinaing bunga ng “wild grass” sa San Carlos City, Pangasinan.
Sa paunang imbestigasyon ng City Health Office, pinaglalaruan umano ng dalawang biktima ang wild grass at kalaunan ay tinikman ang mga ito, ayon sa mga kalaro ng dalawang biktima.
Ayon kay Chary Banlaoi, hepe ng Sanitation Office, San Carlos CHO na hindi pa matukoy kung anong klase ang bunga o halaman ang nakain ng mga biktima pero may ibang hinala ang lola ng nasawing bata.
Aniya, ang tubig umano na galing sa refilling station ang nakalason at nakapatay sa biktima matapos na nakita raw niyang uminom ng tubig ang kaniyang apo at nagsuka.
Itinanggi ng manager ng water refilling station ang alegasyon at tinawag niya itong paninira.
Giit niya kung may lason ang tubig ay bakit ang bata lang umano ang naapektuhan.
- Latest