MANILA, Philippines — Isang kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) na may kasong pagpatay ang naaresto sa inilatag na Project H.O.R.S.E. (Hinterland Operational Response for Services and Emergency) ng tropa ng pamahalaan nitong Huwebes sa bayan ng Maitum.
Ayon kay Police Brigadier General General Jimili L Macaraeg, PRO-12 Regional Director, kinilala lamang ang nadakip na suspek sa alyas “Anef”, 18, may kasong murder, Non-Periodic Status Report listed person at miyembro ng Guerilla Front 73 MUSA Far South Mindanao Region, na ang-ooperate sa Maasim, Kiamba, Maitum at iba pang lugar sa nasabing probinsya.
Sa pinagsamang operasyon ng Maitum Municipal Police Station, Sarangani Police Provincial Office (SPPO), Police Regional Office 12, Sarangani Provincial Mobile Force Company, at 38th Infantry Battalion ng Philippine Army, nadakip ang suspek sa Barangay Batian, Maitum, Sarangani Province.
Kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng Maitum Municipal Police Station ang suspek at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.