Relief operasyon ng DSWD, inihahanda sa pag-aalboroto ng Mt. Bulusan
MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-5 (Bicol Region) para simulan ang prepositioning ng mga Family Food Packs (FFPs) at non-food relief items para sa mga lugar na maaapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon Bicol Region.
May kabuuang 4,500 FFPs, 500 hygiene kits, at 500 sleeping kits ang nakahanda na para sa mga bayan ng Bulusan, Juban, Irosin, Bulan, at Barcelona sa Sorsogon na apektado sa pag-aalboroto ng Bulkang Bulusan.
May 9,110 FFPs ang handa nang maipamigay ng DSWD mula sa kanilang regional warehouse sa Matnog habang may dagdag na 4,600 FFPs ang naka stockpile sa Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Sorsogon.
Patuloy ang monitoring ng DSWD FO-5 sa sitwasyon ng bulkan upang agad makatugon sa pangangailangan ng mga residente doon sa anumang panahon ng emergency.
Kasalukuyang nasa alert level 1 ang bulkang Bulusan.
- Latest