Traffic enforcer pisak ang ulo sa trak

Tinakpan ng karton ang walang buhay na biktimang traffic enforcer nang magulungan ang ulo nito ng trak na tinangka nitong i-overtake sa kahabaan ng Molino Boulevard Bacoor City nitong Miyerkules ng umaga.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay noon din ang isang traffic enforcer nang mapisak ang ulo nito nang masagasaan ng trak na kanyang ­inoberteykan naganap sa tapat ng isang fastfood chain sa kahabaan ng Molino Boulevard,Brgy Molino 3 Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si alias Albert, 52-anyos miyembro ng Bacoor Traffic Ma­nagement Department at residente ng Brgy. San Nicolas I, Bacoor City,Cavite.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng trak na nakilalang si alias Arnold, 54, residente ng Tangub City, Misamis Occidental.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap pang insidente, alas-8:20 ng umaga ay sakay ang biktima ng kaniyang Motorstar Easyride motorcycle na may plate no. 194QCW at bumabagtas sa nasabing kalsada nang tangkaing mag-overtake ng kasunod nitong Fuso Truck na may plakang CCO9559 at minamaneho ng suspek.

Nasabitan nito ang biktima dahilan upang sumemplang ito at masagasaan ang ulo ng trak.Nahaharap sa kaukulang kaso ang nakakulong ng suspek.

Show comments