5 patay sa landslide sa Quezon!
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Lima ang kumpirmadong patay matapos na limang kabahayan ang natabunan ng lupa sa naganap na malawak na landslide sa bulubunduking bahagi ng Sitio Angelo sa Barangay Umiray, General Nakar, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa ipinadalang impormasyon sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) ni Mayor Eliseo Ruzol ng General Nakar, nangyari ang landslide sa bahagi ng Sierra Madre mountain sa may tri-boundary ng mga bayan ng General Nakar sa Quezon, Doña Aurora Trinidad sa Bulacan at Aurora province.
Nangyari umano ang trahedya matapos na gumuho ang malaking bahagi ng bundok dahil sa malalakas at walang tigil na pag-ulan noong gabi ng Martes.
Ayon sa inisyal na ulat ng mga nagrerespondeng tauhan ng 80th Infantry Brigade ng Philippine Army, limang bahay ang natabunan ng lupa.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi kasabay ng isinasagawang retrieval at rescue operation sa lugar.
- Latest