^

Probinsiya

500 karagdagang sundalo dineploy sa BARMM

John Unson - Pilipino Star Ngayon
500 karagdagang sundalo dineploy sa BARMM
Dumating sa Cotabato City Airport nitong Biyernes ang 500 NA karagdagang tropa ng Philippine Army mula Luzon upang tumulong sa pagtiyak ng seguridad at kapayapaan kaugnay ng October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
John Unson

Seguridad sa BSKE 2023, pinaigting

COTABATO CITY, Philippines — Nasa 500 pang sundalo ang dumating sa Min­danao bilang karagdagang puwersa upang tumulong sa election security mission ng mga lokal na pamahalaan sa mga liblib na lugar sa Bangsamoro region at Central Mindanao kaugnay ng gagana­ping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30.

Lumapag nitong Biyernes sa Cotabato City Airport ang C130 plane ng Philippine Air Force na sinakyan ng mga tropang sundalo mula sa iba’t ibang di­bis­yon ng Philippine Army sa Luzon. Sila ay malugod na sinalubong ng mga peace advocacy groups at mga opisyal ng 6th Infantry Division na siyang magpapakalat sa kani­la sa iba’t ibang bayan.

Sinabi nitong Sabado ni Mayor Rolly Sacdalan ng Midsayap, Cotabato, malaking bagay ang pagtatalaga ng dag­dag pang mga sundalo upang magpatupad ng seguridad sa mga lugar na may tensyon sanhi ng girian ang malala­king mga angkan na may kan­ya-kanyang mga kandidato at private armies.

Ayon kay Sacdalan, ang kanilang municipal peace and order council na kanyang pinamumunuan at mga religious at traditional Muslim at Christian leaders na sakop ng kanyang administrasyon ay suportado ang magkatuwang na inis­yatibo ng Commision on Elections, Philippine National Police at 6th-ID na maging mapayapa ang BSKE.

Nagtutulungan sina Army Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th ID, at si Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Allan Nob­leza sa pamamalakad ng joint Army-police election security duties sa mga bayang sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay Nobleza, tumutulong din sa kanila ang tanggapan ni BARMM Local Go­vernment Minister Naguib Sinarimbo, na ang mga empleyado sa mga probinsya ng Bangsa­moro region ay kabilang sa mga sektor na nagsulong ng paglagda sa mga peace covenants ng mga kandidato nitong nakalipas na ­ilang mga araw.

BSKE

BSKE 2023

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with