Naval detachment sa Mavulis Island, pinasinayaan
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino noong Miyerkules ang inagurasyon ng naval detachment sa Mavulis Island, ang pinakahilagang isla sa Batanes malapit sa Taiwan Strait.
Ang nasabing Forward Operating Base (FOB) ay isa sa mga priority sites sa Philippine Navy’s Strategic Basing Plan 2040 na in-institutionalize ni Tolentino sa kanyang Senate Bill No. 654.
Binigyang-diin ni Sen. Tol ang mahalagang papel ng Philippine Navy sa pagtatanggol sa bansa.
“The Philippine Navy has been a formidable bulwark that protected the Nation from all sorts of threats,” wika niya. Kasama ng senador si PN flag-officer-in-command Rear Admiral Toribio Adaci, Jr. na nagsabi namang gagawin ng Navy ang lahat para maprotektahan ang soberanya ng bansa.
- Latest