Missing beauty queen huling nakita sa mall sa Batangas

­Ca­therine Camilon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ilang oras bago tulu­yang hindi na makontak ng pamilya ay namataan umano sa isang mall sa Batangas ang beauty queen at guro na si ­Ca­therine Camilon.

Ito ay base sa CCTV footage na nagawang makuha ng Tuy Police Station kung saan makikitang naglalakad nang mag-isa si Catherine sa isang mall sa Lemery.

Samantala, sa pinakahuling mensahe naman ni Catherine sa kanyang ina nakasaad doon na nasa isang gasoline station siya sa Bauan, Batangas.

Humingi ng tulong sa publiko ang pulisya ng lalawigan ng Batangas upang mahanap si Ca­therine.

“Hanggang ngayon negative.Nag-a-appeal din kami sa taumbayan, if there is some information na puwedeng ibigay sa amin para mabilis ang pag-usad,” ayon kay Police Captain Pauline Fernando, PIO Chief, Batangas PPO.

Nais din alamin ng pulisya ang mga impormasyon tungkol sa sasakyan na gamit ni Catherine nang mawala ito.

Show comments