Rider, angkas todas sa ambush

Sa ulat kahapon ni Capt. John Arvin Cambang, hepe ng Pikit Municipal Police Station, magkaangkas sa isang motorsiklo ang mga biktimang sina Jamer Pundato Ebrahim, 21-anyos at Muhaliden Sangbaan Amer, 20, anyos, nang pagbabarilin ng mga armadong nakaabang sa gilid ng daan sa boundary ng magkalapit na mga barangay ng Ladtingan at Calawag sa na­turang bayan.

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga ‘di kilalang suspek sa isang liblib na pook sa bayan ng Pikit sa probinsya ng Cotabato, nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat kahapon ni Capt. John Arvin Cambang, hepe ng Pikit Municipal Police Station, magkaangkas sa isang motorsiklo ang mga biktimang sina Jamer Pundato Ebrahim, 21-anyos at Muhaliden Sangbaan Amer, 20, anyos, nang pagbabarilin ng mga armadong nakaabang sa gilid ng daan sa boundary ng magkalapit na mga barangay ng Ladtingan at Calawag sa na­turang bayan.

Agad na nasawi sa lugar ang dalawang biktima bunsod ng tinamong mga bala sa katawan, ayon kay Cambang.

Ayon kay Cambang, mabilis na nakatakas ang mga salarin matapos ang insidente.

Sa tala ng mga barangay officials, lokal na pulisya at ng 90th Infantry Battalion ng Philippine Army, 56 na ang mga biktima ng mga pamamaril sa naturang bayan nito lang nakalipas na buwan.

Show comments