Sanggol na kinidnap sa ospital, nasagip

MANILA, Philippines — Nasagip na ng mga operatiba ng pulisya nitong Biyernes ang isang 3-buwang sanggol matapos naka­win sa kaniyang ina sa isang hospital sa Davao City.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 11, kinilala ang nasakoteng suspect na si Rhialyn Herrera, 36-anyos, tubong Zamboanga City at residente ng Brgy. Mintal, Tugbok District ng lungsod.

Ang pagdukot sa sanggol ay ini-report sa pulisya ng 26-taong gulang nitong ina na nangyari sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City noong Agosto 12, 2023.

Ayon kay P/Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng Davao City Police Office, matapos na makatanggap ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspect ay agad silang nagsaga­wa ng rescue operation upang mabawi ang sanggol.

Matagumpay na nailg­tas ng raiding team ang sanggol habang naaresto ang du­mukot dito. Dinala na sa Holy Spirit Hospital ang sanggol at isi­nailalim sa checkup at nasa mabuti namang kondisyon.

Sa imbestigasyon, habang nagpa-pump ng gatas ang ina sa kaniyang suso ay nag-alok ang suspek na kakargahin nito ang beybi, pero bigla na lamang umanong nawala at tangay na ang sanggol.

Show comments