^

Probinsiya

‘Kotongan’ sa SBMA, inalmahan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
‘Kotongan’ sa SBMA, inalmahan
Subic Bay.
Philstar.com / Kristofer Purnell

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Umalma si Subic Bay Metropolitan Autho­rity (SBMA) Chairman and Administrator  Jonathan Tan sa naging reklamo ng ilang locators sa freeport dahil sa umano’y panggigipit sa kanilang mga kargamento palabas ng freeport.

Sa reklamo ng ilang locators, hindi umano pinalulusot  ang kanilang mga shipment palabas ng freeport gayung may clearance at kumpleto naman ang kanilang dokumento.

Ayon kay Tan, wala umano silang kapasidad na harangin ang mga shipment ng mga investors at locators kung kumpleto ang mga dokumento nito at nagbayad ng tamang buwis.

Sinabi pa ni Tan,  ang kanyang ahensya lamang ang nag-ooperate ng port habang ang Bureau of Customs (BOC) naman ang nagbabantay at nagpoproseso sa mga shipment ng mga port users na dumadaan lang sa Subic Freeport.

Sa ginanap na konsultasyon kahapon sa pagitan ng ahensya at mga investors, hinikayat sila ni Tan na isumbong sa kanyang tanggapan ang anumang panggigipit at pangingikil ng kanilang mga tauhan upang maimbestigahan.

Nakatakda namang paimbestigahan ni Tan ang mismong SBMA seaport manager na si Jerome Martinez kaugnay sa sumbong ng mga locators. 

SBMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with