Rider sumalpok sa baka, dedo

CAVITE, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider makaraang sumalpok sa isang baka na biglang tumawid sa kahabaan ng Arnaldo Highway sa Brgy. Santiago, Gen. Trias City kahapon ng madaling araw .

Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Arsenio Aceres Jr, nasa hustong gulang, meka­niko, at residente ng Paniqui, Tarlac

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente, sakay ang biktima ng kaniyang Suzuki Shogun na may plakang 5655CM at bumabagtas sa nasabing lugar nang sumalpok ito sa naglalakad na  baka sa gitnang kalsada.

Sumemplang at tumilapon ang biktima kung saan napuruhan siya sa ulo nang tumama sa sementadong kalsada.

Show comments