1 tepok, 1 malubha sa kuryente sa Zamboanga

COTABATO CITY , Philippines — Isa ang patay habang isa ang nagtamo ng mga paso sa katawan nang makuryente habang inaayos ang mga kawad na nakakabit sa isang electric water pump sa Barangay Lower Mangoso, Zamboanga City nitong Huwebes.

Sa hiwalay na pahayag nitong Biyernes ng Zamboanga City Police Station 1 at ng mga kawani ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Reymart Boracho matapos isugod ng mga barangay emergency responders.

Ginagamot na ang kasama ni Boracho na si Noel Retiza na nagtamo ng mga paso at mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan sanhi ng pagkakakuryente.

Ayon sa mga imbestigador ng Zamboanga City Police Office at mga barangay officials sa Lower Mangoso, magkatuwang na inaayos ng dalawa ang mga kawad ng kuryenteng nakakabit sa electric water pump sa loob ng bakuran ni Retiza nang biglang nahawakan ni Boracho ang isang na may linyang talup, walang anumang insulator, kaya siya biglang nabuwal at nangisay.

Nakuryente rin si Retiza nang tangkain niyang hablutin sa kamay ni Boracho ang live wire na hawak nito, ayon sa lokal na pulisya.

Show comments