MANILA, Philippines — Isang sundalo nasawi habang sugatan ang isa pa sa naganap na engkwentro laban sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Sitio Agdalusan, Brgy.Jayubo, Lambunao, lalawigan ng Iloilo nitong Martes ng umaga.
“Hindi pa natin maibubunyag ang mga pangalan ng ating mga sundalo dahil kailangan muna nating ipaalam sa kani-kanilang pamilya,” ani Brig. Gen. Michael Samson, kumander ng 301st Infantry Brigade.
Ang mga sundalo ay mula sa 82nd Infantry Battalion ng Philippine Army (82IB).
Narekober sa engkwentro ang dalawang M16 rifle, isang kalibre .45 na pistola at ilang subersibong dokumento na naiwan ng mga rebelde, na kabilang sa Baloy Platoon, Central Front Komiteng Rehiyon-Panay.
Sinabi ni Samson na ang Lambunao ay may mga bulubundukin, na ginagamit ng mga rebelde bilang ruta upang lumipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa dahil wala na silang suporta mula sa mga mataong lugar.