^

Probinsiya

Tserman inambus, kritikal: 1 kasama patay!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Tserman inambus, kritikal: 1 kasama patay!
Kinilala ang opisyal na si Barangay Daburab, Cauayan City Chairman Joseph Benigno, 53 anyos, habang ang nasawi ay si Marlon Quijano, 41, ng Pulong Tagalog, Brgy. San Francisco, Cauayan City.
Cauayan City Police Station / Facebook page

BAGUIO CITY, Philippines — Habang palapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), isa na namang barangay chairman ang agaw-buhay habang isa sa dalawang kasama nito ang patay matapos silang tambangan ng mga armadong lalaki kamakalawa ng gabi sa highway ng Brgy. San Francisco, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang opisyal na si Barangay Daburab, Cauayan City Chairman Joseph Benigno, 53 anyos, habang ang nasawi ay si Marlon Quijano, 41, ng Pulong Tagalog, Brgy. San Francisco, Cauayan City.

Sugatan din ang isa pa nilang kasamahan na si Elpidio Camungao Jr., 47, residente rin sa Pulong Tagalog, San Francisco, Cauayan City.

Sa imbestigasyon, galing ang tatlong biktima sa Brgy. Rizaluna, Alicia, Isabela para magbenta ng kanilang naaning palay. Nang makabenta at pauwi na sa kanilang tahanan ay tinambangan sila ng mga ‘di kilalang suspek.

Lumalabas na habang bumabagtas sa nasabing lugar sakay ng motorsiklo si Quijano at lulan din ng isa pang motorsiklo si Benigno at angkas si Camungao nang biglang mag-overtake sa kanila ang isang humahagibis ding motorsiklo sakay ang mga ‘di kilalang salarin saka sila pinaulanan ng bala.

Nang bumulagta ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad namang isinugod sa ospital ang tatlo subalit idineklarang patay si Quijano habang nananatiling kritikal sina Benigno at Camungao.

Isa sa tinitingnang motibo sa pananambang ay pulitika dahil sa nalalapit na BSKE.

CRIME

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with