2 youth volunteer dinukot, hindi sumuko sa Bulacan

Ayon sa dalawang volunteers na sina Jonila Castro, 21, ng Brgy. Lumang Bayan, at Jhed Tamano, 22, ng Brgy. Parulan; pawang sa Plaridel, Bulacan, at mga miyembro ng AKAP KA Manila Bay (Alyansa ng mga Mamamayan para sa Pagtatanggol sa Kabuhayan, Paninirahan at Kalikasan ng Manila Bay), sila ay dinukot ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga taga-70th Infantry Battalion ng Philippine Army noong Setyembre 2 ng gabi sa Orion, Bataan.
STAR/File

PLARIDEL, Bulacan, Philippines — “Dinukot po kami at hindi kami kusang-loob na sumuko sa militar,” ito ang binigyang diin kahapon ng dalawang youth environmental volunteers nang iharap sila sa mga mamamahayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa nasabing bayan.

Ayon sa dalawang volunteers na sina Jonila Castro, 21, ng Brgy. Lumang Bayan, at Jhed Tamano, 22, ng Brgy. Parulan; pawang sa Plaridel, Bulacan, at mga miyembro ng AKAP KA Manila Bay (Alyansa ng mga Mamamayan para sa Pagtatanggol sa Kabuhayan, Paninirahan at Kalikasan ng Manila Bay), sila ay dinukot ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga taga-70th Infantry Battalion ng Philippine Army noong Setyembre 2 ng gabi sa Orion, Bataan.

Taliwas naman ito sa pahayag ni Lt. Col. Ronnel Dela Cruz, commander ng 70th IB, na kusang-loob na sumuko ang dalawang dalaga para magbalik-loob sa pamahalaan.

Sinabi pa ng dalawa na tinakot sila ng mga sundalo at pinagbantaan pa ang buhay ng kanilang pamilya sa oras na sila ay magsusumbong sa kinauukulan.

Idinagdag ni Castro na sapilitan silang pinapirma ng affidavit na nagsasaad na sila ay kasapi ng mga makakaliwa at nagbabalik-loob na sa gobyerno.

Sa kabila nito, igiinit ni Battalion Commander Dela Cruz na kusang-loob na sumuko at pumirma sa affidavit ang dalawang aktibista.

Bago ang pagdukot, naghahanda ang dalawang biktima para sa relief operations na isasagawa sa Bataan.

Sinabi naman ni Plaridel Mayor Jocell Vistan Casaje na sisiguraduhin nila ang kaligtasan ng dalawang babae matapos ang pagsisiwalat nila sa tunay na nangyari sa kanilang pagkawala.

Show comments