Taal nag-alboroto, nagbuga ng 3K-metro usok

Figure 2. IP camera footage of degassing activity from the Main Crater between 2230H 03 June and 1230H 04 June taken from the Taal Volcano Observatory.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) / Facebook Page

MANILA, Philippines — Nananatili pa rin sa alert level 1 ang Bulkang Taal sa Batangas matapos na mag-alburoto at magluwa ng malala­king usok na may taas na 3,000 metro sa may hilaga-hilagang kanluran at hilaga-hilagang silangan ng bunganga ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon, nagtala rin sila ng 2 volcanic earthquakes sa Taal kabilang na ang isang volcanic tremor na tumagal ng dalawang minuto.

Nagluwa ng asupre ang Taal na may 3,264 tonelada at upwelling ng mainit na volcanic fluids sa may main crater lake at VOG.

Mayroon ding naiulat na long-term deflation ng Taal Caldera at short-term inflation ng northern flanks ng Taal Volcano Island.

Dulot nito, pinagbabawal ng Phivolcs ang sinumang indibidwal na pumasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone or PDZ) lalo na sa may main crater at Daang Kastila fissures.

Pinagbabawalan din ang paglalayag ng mga bangka at pamamalagi sa may Taal Lake

Bawal din ang pag­lipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa bulkan dahil sa banta ng steam-driven, phreatic o gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.

Show comments