MANILA, Philippines — Limang mangingisda ang nasagip nang magkaroon ng problema sa makina ang kanilang bangka sa karagatan ng Cajidiocan, Romblon at Southern Quezon.
Ayon kay Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla, kinilala ang mga nasagip na sina Melicio Ibanez Jr. 30; Glen Riano, 35; Crispolo Roda, 29; Sakul Arbis, 55 at Mario Jay Lucenario, 29.
Ayon sa PCG na sila ay inimpormahan ng isang Marjorie Lucenario tungkol sa kanyang kapatid na nawalan ng makina sa gitna ng karagatan habang nangingisda.
Naipormahan ang mga personnel Coast Guard Station (CGS) Romblon tungkol sa insidente kaya inilunsad nila ang search and rescue operations na pinangunahan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) sa Cadjidiocan upang hanapin ang pagkawala ng mga mangingisda.
Habang nagsasagawa ng search mission sa pagitan ng karagatan ng Sibuyan island at Burias island, Masbate, CGSS Cajidiocan ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa may-ari ng bangka na ang nawawalang bangka ay natangay ng alon sa katubigan ng Barangay Pasig, Claveria, Masbate.