P8 milyong marijuana, winasak ng PDEA-CAR sa Kalinga

MANILA, Philippines — Umaabot sa P8 milyon ang halaga ng marijuana na winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera Kalinga Provincial Office sa naturang lalawigan, nabatid kahapon.

Ang mga naturang fully grown marijuana plants, na tinatayang aabot sa 40,000 piraso at nagkakahalaga ng P8 milyon ay winasak ng mga otoridad noong Setyembre 11-13, 2023.

Nakumpiska ang mga marijuana mula sa dalawang plantasyon na matatagpuan sa Ngibat, Tinglayan, Kalinga, na may laking 4,000 metro kuwadrado.

Batay sa ulat ng PDEA-CAR, nabatid na binunot at sinunog ng mga operating unit ang lahat ng marijuana sa naturang mga plantasyon upang hindi na mapakinabangan pa ang mga ito.

Bigo naman ang mga otoridad na maaresto ang cultivator sa ikinasang operasyon.

Show comments