^

Probinsiya

Gov. Daniel Fernando, nahilo ‘di nakasalita sa isang event sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Gov. Daniel Fernando, nahilo �di nakasalita sa isang event sa Bulacan
Governor. Daniel Fernando
Daniel R. Fernando Facebook page

MALOLOS CITY, Philippines — Mabilis na isinugod sa ospital si Bulacan Go­vernor Daniel Fernando matapos mahilo at mahirapang huminga habang nagsasalita sa isang okasyon sa Bulacan Capitol Gymnasium ng lungsod na ito nitong Lunes ng gabi.

Mabuti na lamang at naroroon si Bulacan Vice Gov. Alex Castro kaya agad na nadala si Fernando sa Sacred Heart Hospital sa Malolos City. Siya ay nasa maayos nang kalagayan at nagpapahinga sa kanyang tahanan.

Ayon sa personal doktor ni Fernando, nasobrahan sa pagod at na-dehydrate ang gobernador sanhi upang mahilo at manikip ang dibdib dahil na rin sa sunud-sunod na aktibidades na dinaluhan nito kabilang ang pagdiriwang ng taunang Singkaban Festival, pagdalo sa People’s Day tuwing Lunes at Bikers Day sa Bulacan Sports Complex kung saan panauhing pandangal sa okasyon si DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr.

Naging abala rin ang gobernador sa personal na pamimigay ng ayuda sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa lalawigan dulot ng bagyong Egay at Falcon.

Dahil dito, na-over fatigue ang gobernador dahil sa sunud-sunod na puyat at pagod, ayon sa kanyang personal assistant.

vuukle comment

BULACAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with