^

Probinsiya

Pagbaon sa bangkay ng NPA rebel sa CAFGU ambush sa Quezon province, kinondena

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Pagbaon sa bangkay ng NPA rebel sa CAFGU ambush sa Quezon province, kinondena
Isinasailalim na sa aw­to­p­siya ang nahukay na bangkay ng NPA rebel na sangkot sa pag-ambush at pagpatay sa limang CAFGU sa Tagkawayan, Quezon.

LUCENA CITY, Philippines — Kinondena ng mga residente sa Quezon ang ginawa ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na pagbaon at pag-iwan sa kanilang kasama matapos mapatay sa pakikipagsagupa sa tropa ng pamahalaan makaraan ang ginawang pananambang sa tropa ng pamahalaan na ikinasawi ng limang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Tagkawayan, Quezon kamakailan.

Ayon sa mga residente, sana ay nabigyan ng desenteng libing ng gobyerno ang nasabing rebelde katulad ng ibi­nigay sa mga napaslang na CAFGU at di yong basta na lang ibinaon ng mga kasamahan.

Hinala ng ilan pang residente sa Tagkawayan na posibleng dahil sa kagustuhan ng mga Bicolanong rebelde na makapag­yabang sa publiko matapos ang matagumpay nilang pananambang kaya inilihim nila ang katotohanan na ang kanilang grupo ay nalagasan din ng kasapi matapos manlaban ang mga CAFGU.

Sa ulat ng pulisya, isang bangkay ng hinihinalang miyembro ng NPA na umano’y kasama sa madugong pananambang sa mga miyembro ng CAFGU noong Setyembre 1 sa hangganan ng Quezon at Camarines Norte ang natagpuan kahapon.

Ang bangkay ay nadiskubre matapos na maa­moy at makalkal ng mga asong askal na nakabaon sa mababaw na hukay dahilan para mapansin ito ng isang residente sa Sitio Katakian, Brgy. Mapulot, Tagkawayan, ‘di kalayuan sa lugar ng pananambang kung saan nasawi ang limang CAFGU habang tatlo ang sugatan kabilang ang isang sundalo ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Mabilis na ipinagbigay-alam ito sa mga otoridad at nang puntahan ng mga pulis at militar ang lugar ay nadiskubre ang bangkay ng rebelde na may tattoo na JR at Jirerb at may mga tama ng bala sa mukha at balikat.

Lumalabas sa intelligence report ng militar na ilan sa mga rebeldeng Bicolano ang nasugatan at nasawi sa gitna ng bakbakan subalit nagawa nila itong maitakas.

Samantala, pinabula­anan ng pulisya at militar ang pahayag ng taga­pagsalita ng Apolonio Mendoza Command na bukod sa mga rebeldeng Bicolano ay malakas pa rin ang natitirang puwersa ng NPA sa Quezon.

DEAD

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with