^

Probinsiya

36 studes naospital sa ibinugang usok ng Taal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
36 studes naospital sa ibinugang usok ng Taal
Mayon volcano continues to spew lava on June 14, 2023 in Albay.
STAR/ Edd Gumban

Klase malapit sa bulkan, sinuspinde

MANILA, Philippines — Isinugod sa ospital ang may 36 mag-aaral matapos na sumama ang pakiramdam at mahilo nang makalanghap ng volcanic smog mula sa Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas nitong Biyernes.

Bunsod nito, ipinag-utos ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang agarang suspension ng klase sa iba’t ibang paaralan malapit sa nasabing bulkan.

Sa ulat ng Batangas PDRRMO, bago magtanghali nitong Biyernes, isinugod sa Rural Health Unit (RHU) ang 36 estudyante mula sa Bayorbor National High School at Bayorbor Senior High School sa Mataas na Kahoy ng lalawigan.

Ang mga estudyante ay nakaranas ng paninikip ng dibdib, nahirapang huminga at nahilo dahil sa usok na ibinuga ng Bulkang Taal. Ilan din sa kanila ang dumanas ng pananakit ng sikmura, panghihina at halos matumba nang malanghap ang usok.

Sa pahayag naman ni Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Ilagan, matapos na malapatan ng pangunahing lunas ay nagsiuwi na rin ang mayorya ng mga estud­yante sa kanilang tahanan  nitong Biyernes ng hapon hanggang nitong Sabado ng umaga.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Ilagan ay may isa na lamang pasyente sa pagamutan.

Nabatid na simula noong Miyerkules ay nakatanggap na sila ng ulat na nagbubuga na ng asupre ang bulkan.

Samantalang ang Taal Volcano ay nananatiling nasa alert level 1 na ibig sabihin ay posible ang potential steam o phrea­tic explosions, volcanic earthquakes, thin ashfalls, at pagbuga ng poisonous gas mula sa bunganga ng bulkan.

Patuloy naman ang monitoring ng Philvolcs at mga lokal na opisyal sa lalawigan.

VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with