5 napatay na CAFGU sa Quezon binigyang pagkilala

Nag-alay ng panalangin si Quezon Gov. Tan sa 5 nasawing CAFGU.
STAR/File

MANILA, Philippines — Binigyang pagkilala ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang kadakilaan at kabayanihan ng limang miyembro ng Citizens Geographical Unit (CAFGU) na nasawi dahil sa madugong engkwentro sa mga rebeledeng komunista mula sa Bicol nitong Setyembre 1.

Personal na sinaksihan ni Quezon Go­vernor Doktora Helen Tan ang pagbibigay ng full military honors sa mga nasawi na sina CAA Cesar Sales; CAA Jeffrey San Antonio; CAA Aljohn Rapa; CAA Johnwell Perez; at CAA Jomari Guno. Ihihimlay ang kanilang mga labi sa Libingan ng mga Bayani dahil sa pagbubuwis ng kanilang buhay para sa kapa­yapaan ng lalawigan ng Quezon.

Labis naman ang pagdadalamhati ni Governor Tan at ipinaabot ang kanyang pakikiramay sa mga pamilyang naulila ng mga nasawi at ibinahagi rin na makatatanggap sila ng tulong pinansyal.

Patuloy din ang pagkilos at pakikipag-ugnayan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang matulungan ang mga naapektuhang residente ng pi­nangyarihan na pana­nambang ng mga tero­ristang grupo.

Katuwang ang DSWD sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian ay sinimulan na ang pamamahagi ng tulong at food packs para sa mga komunidad na naipit ng nagdaang engkwentro.

Show comments