MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Boluntaryong sumuko sa mga pulis ang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa ilalim ng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan na nakatalaga sa coastal area ng Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales.
Sa report na tinanggap ni Provincial Director P/Col. Relly Arnedo, kinilala ang sumukong rebelde na si alyas Ka Boy, 40-anyos, obrero.
Nabatid na isinuko ni Ka Boy ang isang cal. 38 revolver smith na may limang bala nito,alas-11:00 ng umaga nitong Martes dahil sa pangamba na makasuhan sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril lalo pa na patuloy na umiiral ang gun ban sa probinsya.
Pansamatalang nasa kustodiya ng 1st PMFC para sa malalimang imbestigasyon at custodial debriefing.
Tiniyak naman na matatanggap ng sumukong rebelde ang mga provisions at social services, tulad ng pagbibigay ng hanap-buhay sa mapayapang kumunidad.