Guro kinatay ng pinatira sa bahay, 2 anak sugatan

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Clarence Mae Besario Sulima, 37, residente ng Barangay Washington habang sugat sa leeg ang tinamo ng mga anak niyang nasa edad 9 at 5.
STAR/File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang babaeng guro na nagmagandang loob na kupkupin sa kanyang bahay ang 27-anyos na lalaki matapos siyang katayin nito habang sugatan din ang dalawa niyang anak na menor-de-edad sa Surigao City.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Clarence Mae Besario Sulima, 37, residente ng Barangay Washington habang sugat sa leeg ang tinamo ng mga anak niyang nasa edad 9 at 5.

Mabilis namang tumakas matapos isagawa ang krimen ng suspek na si Joseph Guimare, 27, pero kinalaunan ay sumuko rin sa mga awtoridad sa istasyon ng pulisya sa munisipyo ng Dapa.

Naganap ang krimen sa tahanan mismo ng napaslang na guro sa Vasquez Street, Barangay Washington sa Surigao City nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa pulisya, dinatnan na wala nang buhay at duguan si Sulima sa kaniyang bahay at may sugat sa leeg noong Huwebes.

Bago ang insidente, kinupkop ng biktima ang suspek at itinuring na kapamilya.

Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa krimen matapos makuha sa suspek ang ilang gamit ng biktima.

Ayon kay Police Leiutenant Colonel Diomedes Cuadra Jr., hepe ng Surigao City Police Station, sasampahan ng reklamong murder at two counts of frustrated murder ang suspek.

Show comments