PBA player timbog sa shabu sa Davao City

Kinilala ang suspek na si Charles Justin “CJ” Lazarte, 25, at taga-Purok 3 Kimamon, Santo Tomas, Davao del Norte.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang kilalang basketbolista matapos makumpiskahan ng shabu sa inilatag na police checkpoint sa Lasang, Davao City.

Kinilala ang suspek na si Charles Justin “CJ” Lazarte, 25, at taga-Purok 3 Kimamon, Santo Tomas, Davao del Norte.

Base sa report, nagsasagawa ang mga pulis ng task force checkpoint  sa Lansang, Davao City dakong  alas-6 ng umaga  kahapon.

Nasa Light Vehicle Inspection Area si Lazarte nang makuhaan umano ng isang pakete ng shabu na may timbang na 0.20 gramo at nagkakahalaga ng P3,200.

Si Lazarte ay kinilalang “bigman slasher” ng San Miguel Beermen ng Philippine Basketball Association (PBA). Nakapaglaro rin siya sa Maharlika Pilipinas Basketball League at sa PBA on Tour Off Season League, PBA 3 on 3, at iniimbitahan din siya sa iba pang liga sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Nakapiit ngayon sa Bunawan Police Station ang naturang PBA player at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments