3 motor inararo ng oil tanker: 4 patay!

Dead on the spot ang mga biktimang sina Ruel Pascual, 47; misis na si Analie, 43; anak na si Shelly at Meliton Blanco, 59. Sugatan naman si Wilson Kial, 43.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang apat katao kabilang ang tatlong mi­yembro ng isang pamilya habang isa pa ang sugatan nang araruhin ng oil tanker ang tatlong motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Bacong, Negros Oriental.

Dead on the spot ang mga biktimang sina Ruel Pascual, 47; misis na si Analie, 43; anak na si Shelly at Meliton Blanco, 59. Sugatan naman si Wilson Kial, 43.

Nasa kustodiya naman ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO),ang driver ng oil tanker na si Albert De Baguio, 33, residente ng Brgy. Cabang, Jimalalud, ­Negros O­riental.

Ayon kay Lt. Stephen Polinar, deputy chief ng NOPPO Police Community Affairs and Development Unit, nangyari ang aksidente dakong alas-9 ng  umaga nitong Sabado sa  national highway sa Brgy. North Poblacion, Bacong, ng nabanggit na  probinsiya.

Nag-overtake si De Baguio sa sinusundang motorsiklo hanggang sa sumabog ang gulong ng minamanehong tanker at mawalan ng  control sa manibela.

Napunta sa kabilang lane ang oil tanker hanggang sa araruhin ang motor ng pamilya  Pascual, Blanco at Kial.

“The Pascual family was on board a motorcycle, Blanco was driving a motor vehicle popularly known as “chariot” and Kial was driving another motorcycle that all figured in the traffic accident,”ani Polinar.

Nakarehistro ang oil tanker sa New Bian Yek Commercial, Inc.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at physical injury si De Baguio.

Show comments