^

Probinsiya

‘Tulak’ binoga, binasag ang bungo saka sinunog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Tulak’ binoga, binasag ang bungo saka sinunog!
Sa inisyal na report ng Police Regional Office (PRO) 8, ang bangkay ng biktimang itinago sa pangalang “Buknoy” ay natagpuang sunog sa loob ng kaniyang sasakyan noong Huwebes ng umaga sa Sitio Bod, Brgy. Barangat Lundag ng bayang ito.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Brutal na pinaslang ang isang pinaghihinalaang tulak ng droga matapos na pagbabarilin ay binasag pa ang bungo nito saka sinunog sa loob ng kanyang behikulo sa bayan ng Merida, Leyte, ayon sa ulat kahapon.

Sa inisyal na report ng Police Regional Office (PRO) 8, ang bangkay ng biktimang itinago sa pangalang “Buknoy” ay natagpuang sunog sa loob ng kaniyang sasakyan noong Huwebes ng umaga sa Sitio Bod, Brgy. Barangat Lundag ng bayang ito.

Ang biktima ay residente ng Ormoc City na dati nang nasakote sa pagtutulak ng shabu sa kasagsagan ng giyera laban sa droga noong 2016.

Natagpuan ang biktima na basag ang bungo sanhi ng paghampas ng matigas na bagay sa passenger’s seat ng kanyang sasakyan na nakabalagbag sa tabi ng highway.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad ang apat na butas sa sasakyan sanhi ng naglagos na bala, dalawang nadepormang bala, isang cartridge at mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol sa tabi ng driver’s seat.

Bago ang pagkakadiskubre sa krimen, nakarinig ang mga residente sa ‘di kalayuan sa lugar ng sunud-sunod na mga putok ng baril.

Ipinalalagay ng mga awtoridad na ang biktima ay pinatay sa ibang lugar at dinala lamang sa Brgy. Lundang kung saan sinunog ang bangkay nito para ilihis ang imbestigasyon.

May mga person-of-interest na umano ang pulis sa kasong ito at natukoy na rin ang may-ari ng behikulo bagama’t hindi muna ito pinangalanan dahil sa patuloy na imbestigasyon sa krimen.

PRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with