^

Probinsiya

‘Most wanted’ sa Cebu, dakma sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
‘Most wanted’ sa Cebu, dakma sa Cavite
Hindi na nakagalaw pa nang dakmain ng pulisya ang suspek na si John Paul Lirasan Llego, 25-anyos, truck helper, ng Blk. 2 Lot 2 sec. 35 Bellview Meadows Subd., Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE , Philippines — Matapos ang may ilang buwang pagtatago sa batas, nalambat ng pulisya ang most wanted person (MWP) sa Cebu dahil sa 9 na bilang ng kasong panggagahasa sa isi­nagawang pagsalakay sa hideout nito sa Brgy. Daang Amaya 1, Tanza, dito sa lalawigan, kahapon.

Hindi na nakagalaw pa nang dakmain ng pulisya ang suspek na si John Paul Lirasan Llego, 25-anyos, truck helper, ng Blk. 2 Lot 2 sec. 35 Bellview Meadows Subd., Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.

Sa ulat mula kay Police Major Dennis Ambagan, hepe ng pulisya sa ba­yang ito, alas-11:30 ng umaga nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Cebu Police, Cebu Provincial Police Office, at Cavite Police ang warrant operation laban sa suspek.

Bitbit ang warrant of arrest para sa mga kasong 7-counts ng “qualified rape” at 2-counts ng “qualified rape by sexual assault” na may piyansang P200,000 na inisyu ni Judge Francis Rainier Rodriguez Navarrete, acting presiding judge ng Regional Trial Court, Seventh Judicial Region, Br. 62, Oslob Cebu.

Naabutan ng grupo ang suspek na hindi na nakapalag pa nang posasan ng raiding team.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with