MANILA, Philippines — Sinibak na sa puwesto ang hepe ng pulisya na nagpakulong ng reporter na nagbasa lang police blotter sa Camar pirma ni Camarines Sur Provincial Police Office (PPO) director Police Col. Julius Cesar Domingo matapos na malagay sa kontrobersiya ang reklamo ng radio reporter na nagbasa ng blotter ng pulis sa Iriga, Camarines Sur.
Ayon kay Domingo, isinailalim sa administrative relief ang Chief of Police ng Iriga na si Police Lt. Col. Ralph Jason Oida upang hindi makaimpluwensya sa imbestigasyon sa insidente.
Matatandaan na ikinulong at kinasuhan ng nasabing opisyal ang radio reporter na si Jose Rizal Pajares dahil sa paglabag umano sa Data Privacy Act matapos magbasa ng police blotter sa Iriga Police Station.
Tatlong araw na nakulong ang reporter bago siya pinalaya matapos na magpiyansa ng P10,000.
Ang blotter ay maituturing na public document.